Maraming Pilipino ang “proud” kapag nangunguna ang Pilipinas sa mga international sports.
Ito ay batay sa Social Weather Stations (SWS) kung saan lumabas na 96 porsyento ng mga Pilipino ang proud kapag nagpapakitang gilas ang pambato ng bansa sa mga malalaking palaro.
Lumabas sa survey na nasa 74 percent ng mga Pilipino ang nagsasabing sila ay “very proud” habang 19 porsyento ang nagsasabing sila ay “proud”.
Tatlong porsyento naman ang nagsabing hindi sila proud para sa kanilang kababayan.