Sasailalim sa pagsasanay ng Special Program in Foreign Language – Chinese Mandarin ang nasa 300 guro.
Ito’y matapos lagdaan ang memorandum of agreement sa pagitan ng Department of Education at Confucius Institute Headquarters kung saan magkakaroon ng joint training ang pampublikong guro na mag aaral ng master of arts in Chinese language teaching.
Kaugnay nito, binigyang diin ni Education Sec. Leonor Briones na ang pagsasanay ng ibang wika sa mga guro ay isang pagpapatunay na mayroong kalidad ang edukasyon sa bansa.
Ikinatuwa naman ni Chinese Embassy Cultural Counsellor Tian Shanting ang hakbang na ito ng DepEd dahil nagpapakita umano ito ng mas lalo pang pagtibay ng relasyon ng Pilipinas at China.