Sumadsad ng P3 ang presyo ng asukal ngayong linggo.
Ito’y kasunod ng pagkakabunyag ng talamak na sugar smuggling sa bansa kung saan nadawit ang kaalyado ng Pangulong Aquino na si dating Land Transportation Office Chief Virginia Torres.
Mula sa P50 hanggang P52 noong isang linggo ay bumaba ito sa P48 hanggang P49 kada kilo ang puting asukal.
Ang pulang asukal naman na dating P42 hangang P44 ay naglalaro na lang sa P40 hanggang P43 ang kada kilo.
Sinasabing inuubos na lamang ng mga sugar retailer ang mga imbak nilang asukal.
Gayunman, pinaniniwalaang muling sisirit ang presyo nito kapag nagsimula na ang imbestigasyon ng Kongreso sa sinasabing sugar smuggling sa bansa.
By: Jelbert Perdez