Lumobo ang bilang ng mga estudyante na nakakaranas ng pambu-bully sa eskwelahan.
Ito’y batay sa Program for International Student Assessment (PISA) 2018 survey kung saan lumalabas na 6 sa 10 teenager ang regular na binu-bully sa mga paaralan.
Nabatid sa mahigit 7,000 Filipino students na 15 taong gulang, 65% rito ay binu-bully ng ilang beses sa loob ng isang buwan.
Mas mataas ito kumpara sa 23% average ng mga mag-aaral na nagkakaroon ng katulad na karanasan sa 36 na bansa tulad ng Estados Unidos, Japan, China, at ilang European countries.
Maliban dito, tinatayang nasa 26% rin ng mga estudyante ay nakakaramdam ng kalungkutan habang nasa paaralan.
Kasabay nito, nanawagan naman si Sen. Sherwin Gatchalian sa Department of Education (DepEd) na mahigpit na bantayan at ipatupad ang mga anti-bullying measures sa mga eskwelahan sa bansa.