Hanggang ngayong araw na lamang, Disyembre 15 maaaring makapagpatala ang mga Filipino sa Lebanon para sa alok na libreng mass repatriation ng pamahalaan.
Sa abiso ng Philippine Embassy sa Lebanon, kanilang pinaalalahanan ang mga Pilipino na nais nang magbalik Pilipinas na magtungo lamang sa kanilang tanggapan para makapagparehistro.
Kinakailangan lamang anilang magdala ng photocopy ng passport o birth certificate, marriage contract, 6 na kopya ng 2 x 2 ID photo at kopya ng birth certificate ng kanilang mga anak.
Una nang napaulat ang pagdagsa sa Philippine Embassy sa Lebanon ng mahigit 1,000 mga Pilipino naninirahan sa nabanggit na bansa para makapagparehistro sa alok na libreng repatriation ng pamahalaan.