Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nanatiling intact ang Mindanao Grid.
Ito ay matapos ang pagtama ng magnitude 6.9 na lindol sa Davao Del Sur ngayong Linggo, Disyembre 15.
Ayon sa NGCP, walang naitalang nasirang transmission facilities ang lindol.
Dahil dito ay maninitili anilang normal ang power transmission services sa naturang lalawigan.