Hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang publiko na ipagdasal ang mga biktima ng lindol sa Mindanao.
Ang paghimok ay ginawa ni Tagle sa idinaos na unang Simbang Gabi sa Manila Cathedral na kaniyang pinangunahan.
Sinabi ni Tagle na mas malakas ang lindol kahapon kumpara sa mga naunang lindol na yumanig sa iba’t ibang lugar sa Mindanao.
Ang trahedya aniya ay test of faith o pagsubok sa pananampalataya.