Pinadi-distansiya ng Malakanyang si Vice President Leni Robredo sa isyung kinasasangkutan ng gobyerno at 2 water concessionaire.
Kasunod ito ng pahayag ni Robredo na dapat ay mas kalmado ang gawing approach ng gobyerno upang maiwasan na magkaroon ng collateral damage sa aspeto ng tubig sa Metro Manila.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi na dapat makialam pa ang pangalawang pangulo sa mga isyung wala naman siyang alam.
Aniya, kitang kita naman na epektibo ang ginagawang pagharap ng Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng tubig.
Huwag mo nang pasukin yong hindi mo alam. It means, I don’t think she know’s anything about it.