Bi-biyahe na sa Metro Manila ang mga modernong jeepney.
Ito ang inanunsyo ng Liga ng Transportasyon at Operators ng Pilipinas (LTOP) kung saan nakahandang umarangkada sa unang bahagi ng 2020 ang may 500 environment-friendly na jeepney.
Ayon kay Orlando Marquez, national president ng grupo, mas mabuti kung makikiisa ang iba pa nilang miyembro at ibang transport group na i-avail ang unang euro 6-complaint public utility vehicles sa bansa.
Aniya, bukod sa matipid sa gasolina, mabuti rin ito sa kalikasan dahil walang polusyon ito na ibinubuga.
Target ng grupo na simulan ang byahe ng mga modernong jeep sa Quezon City kabilang ang Timog Avenue, West Avenue, North Avenue at East Avenue.