Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang Magsaysay, Davao Del Sur kaninang dakong alas 2:07 ng hapon.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang naturang pagyanig sa layong anim na kilometro timog-kanluran ng Magsaysay. May lalim rin itong 21 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naitala ang intensity 5 sa Hagonoy, Davao Del Sur, intensity 4 sa Davaot City at intensity 3 sa Kidapawan City.
Samantala, wala namang inaasahang aftershocks at wala ring napaulat na mga pinsala sa naturang pagyanig.