Bababa na ang presyo ng galunggong sa April 2020.
Ito, ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ay dahil magsisimula na sa Abril ang fishing season ng galunggong.
Sinabi ni Dar na ang pagsipa ng presyo ng galunggong ay dahil sa ipinatupad na fishing ban para hindi mahuli ang fingerlings ng tinatawag ding ‘poor man’s fish’.
Sa ngayon, ipinabatid ni Dar na nag-angkat na ang Department of Agriculture (DA) ng 45,000 metriko tonelada ng galunggong para mapababa ang presyo nito.
Magugunitang pumapalo hanggang P300.00 ang presyo kada kilo ng galunggong.