Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 6.9 na lindol sa Davao del Sur.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa siyam na ang death toll at tatlo sa mga nadagdag na nasawi ay nadaganan nang gumuhong South Grocery Store sa Padada, Davao del Sur.
Pumapalo na sa 111 ang nasugatan sa insidente at isa naman ang nawawala.
Ipinabatid pa ng NDRRMC na 41 istruktura ang napinsala ng lindol at mahigit 30 rito ay labis na nawasak.