Ipinatawag ng Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB) ang pamunuan ng ilang mga ride-hailing app sa bansa.
Ito ay kasunod ng pagdami ng natatanggap na reklamo ng ahensya hinggil sa sobrang mahal ng pamasahe ngayong holiday season.
Ayon kay LTFRB Board Member Ronaldo Corpus, pagpapaliwanagin nila ang mga ride hailing apps hinggil dito.
Aniya, ano mang araw ngayong linggo ay gaganapin na ang kanilang pulong.
Magugunitang mayroong siyam na ride-hailing apps ang accredited ng LTFRB sa bansa.