Handa si Maguindanao Representative Esmael Toto Mangudadatu na pakinggan ang hatol ng lahat ng akusado sa Maguindanao Massacre.
Ayon sa Kongresista, hindi niya alintana na gumugol ng 12 oras para dito.
Aniya, isang lang araw lamang ito kumpara sa kanilang hinintay na halos isang dekada.
Magugunitang kasama ang asawa at kapatid ni Mangudadatu sa mga biktima ng massacre noong 2009.