Nakikiisa ang Pilipinas sa hangarin ng United Nations na matugunan ang problema sa kahirapan sa loob ng 15 taon.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na kahit wala ang kasunduan ng mga bansang miyembro ng United Nations ay kumikilos ang gobyerno para tugunan ang problema ng kahirapan sa bansa.
Patunay aniya dito ang pinalakas at pinahusay na mga programang panlipunan tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program na hinirang kamakailan ng World Bank bilang largest and best targeted social safety net program in the world.
Sinabi ni Coloma na sa kasalukuyan ay mayroong 4.5 milyong pamilya ang nabibiyayaan ng programa, mas malaking di hamak sapul nang ipatupad ito noong 2008.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)