Kinumpirma ng Department of Agriculture na cleared na ang bayan ng Rodriguez, Rizal sa African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Agriculture secretary William Dar, negative ang lahat ng result ng kanilang ginawang tests sa naturang bayan.
Aniya, unti-unti nang nawawala ang ASF outbreak sa bansa.
Magugunitang umabot na sa halos P1-bilyon kada buwan ang nawawala sa ekonomiya ng bansa dahil sa ASF outbreak.