Nakatakdang umapela ang kampo ng mga Ampatuan kasunod ng conviction sa kanila sa 2009 Maguindanao massacre case.
Ayon sa mga abogado nina Andal Datu Unsay Ampatuan Jr., dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan, Anwar Ampatuan Sr., Anwar “Ipi” Ampatuan Jr., at Anwar Sajid “Ulo” Ampatuan, maghahain sila ng motions for reconsideration at iba pang kaugnay na pleadings sa susunod na 15 araw.
Maaring umapela ang mga nahatulan hanggang sa Korte Suprema.
Matatandaang pinatawan ng guilty ng Quezon City Regional Trial Court branch 221 ang ilang miyembro ng maimpluwensiyang pamilya Ampatuan sa kasong multiple murder sa pagpatay sa mahigit 50 katao sa Maguindanao noong 2009.