Ipinagdiriwang ng buong mundo ang naging tagumpay ng hustisya sa Pilipinas kasunod ng conviction ng mga pangunahing suspek sa karumaldumal na Ampatuan massacre.
Ayon kay Presidential Communications secretary Martin Andanar, hindi kailanman malilimutan ang napakahalagang araw na ito sa kasaysayan ng bansa kung saan nanaig ang hustisya at karapatang pantao ng mga kaawa-awang mga biktima ng malagim pangyayari sampung taon na ang nakalilipas.
Pahayag ni Andanar, malinaw at malakas naging mensahe ng Korte na ang mga freedom lovers, saan mang panig ng mundo, ay maaring makamit ang inaasam na hustisya laban sa kahit sa mga abusadong pulitiko dito sa bansa at maging sa abroad.
Aniya, ang latest development na ito ay nagbalik sa Pilipinas bilang isang bansang nagpapahalaga at nagbibigay proteksyon sa dignity at human rights ng bawat isa.
Dagdag ni Andanar, wala aniyang mabisang paraan upang ipakita ang pagiging epektibo ng democratic mechanisms ng bansa kundi ang mapanagot sa batas ang mga kriminal na sangkot sa isang karumaldumal na Ampatuan massacre case.