Aminado ang Grab Philippines na hindi nila kayang i-accommodate ang lahat ng booking lalo na ngayong Disyembre.
Umaabot na kasi sa tatlong milyon ang nakukuhang booking ng Grab simula pa noong nakaraang linggo.
Ayon sa Grab, nasa 35,000 hanggang 36,000 lamang ang kanilang driver kaya’t kulang talaga ito para tugunan ang nasa 400,000 trip sa isang araw.
Samantala, ipinabatid ng Philippine Competition Commission (PCC) na umaabot na sa halos 40 milyong piso ang multa ng Grab simula nang binili nito ang Uber noong Abril 2018 kaya nawalan ng kompetisyon sa transportation network vehicle service.
Ngunit ayon sa PCC, kung tutuusin ay hindi na lamang kasalanan ng Grab na wala silang ka-kumpetisyon.
Anila, wala pa rin talagang pumapasok na TNVs na may sapat na pondo na kayang lumaban dito.