Ikinatuwa ng Philippine National Police (PNP) ang naging guilty verdict at habambuhay na pagkakakulong sa mga ilang miyembro ng angkan ng Amputuan na akusado sa Maguindanao massacre.
Ayon kay PNP Officer in Charge Police Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa, pinatunayan lang ng nasabing desisyon na walang mayaman at makapangyarihan pagdating sa batas.
Kasabay nito, tiniyak ni Gamboa na kanilang gagawin ang lahat para maaresto ang iba pang at-large na suspek na responsable sa malagim na krimen.
Kaugnay nito, inatasan na ni Gamboa ang Criminal Investigation and Detection Group, intelligence group at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao-PNP na maglunsad ng manhunt operations para sa akusadong nananatiling at large.