Bumaba na ang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.
Ito ang masayang ibinalita ni Department of Agriculture (D.A) Sec. William Dar sa year end press conference ng ahensya.
Ani Dar, masasabing kontrolado na ng pamahalaan ang kaso ng ASF sa bansa partikular sa mga apektadong lugar.
Tiniyak na rin aniya ng pamahalaan ang tulong sa lahat ng mga magbababoy gaya ng pagkakaloob sa mga ito ng tig 5,000 piso.
May ginawa rin umanong zoning plan ang D.A at mga local government units upang mabilis na matukoy ang mga lugar na mayroon pa ring ASF.
Umabot na sa 4 milyong piso ang kabuuang nalugi sa mga magbababoy mula nang makaroon ng ASF sa bansa noong kalagitnaan ng Agosto taong kasalukuyan.