Nakitaan ng semilya ang tatlong babaeng nasawi sa Maguindanao massacre.
Sa naging ruling ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221 inihayag na nagpositibo sa presenya ng semilya ang bangkay nina Rahima Palawan, Leah Dalmacio at Cecil Lechonsito.
Ito ay batay sa isinagawang autopsy ni PNP Crime Laboratory Medico Legal Officer Dean Cabrera.
Dahil dito posible umanong ginahasa ang mga biktima bago patayin.
Si Palawan ay kasama ng convoy nang maghain ng certificate of candidacy si Esmael ‘’Toto’’ Mangudadatu dahil kakilala ito ng kapatid nito.
Naging associate editor naman si Dalmacio ng Soccksargen Today habang si Lechonsito naman ay sinamahan lang ang asawa niya para sana sa medical check up.