Naniniwala si Atty. Harry Roque na babalikan ng karma ang na-acquit na si Sajid Islam Ampatuan.
Ayon kay Roque, tila alam ng naturang akusado na siya ay maliligtas at wala pa ito sa promulgation ng Maguindanao massacre kahapon, Huwebes, ika-19 ng Disyembre.
Aniya, hindi na raw siya nagulat na na-acquit ito dahil pinayagan pa ng korte na makapagpiyansa ito.
Magugunitang hinatulang guilty ang ilan sa mga miyembro ng Pamilya Ampatuan na may kinalaman sa massacre.