Muling mabubuksan ang kaso ng ika–58 biktima sa Ampatuan massacre case na si Reynaldo Momay kapag nakita na ang bangkay nito.
Ayon kay University of the Philippines–College of Law Professor Rowena Daroy–Morales, kailangan makuha ang bangkay nito at mapatunayan na kasama nga ito napatay.
Aniya, may mga kaso kasi na nakikita nga ang damit o iba pang gamit ngunit hindi ibig sabihin na ito ay biktima kundi posibleng kabilang din ito sa suspek.
Matatandaang pinawalang sala ng Korte ang lahat ng akusado sa kasong may kinalaman kay Momay dahil hindi naman nakita ang bangkay nito sa crime site at hindi rin napatunayan na kabilang ito sa mga napaslang.