Pinagsanib ni Justice Secretary Leila De Lima ang National Prosecution Service o NPS at National Bureau of Investigation upang matutukan ang imbestigasyon sa mga kasong pagpatay sa mga Lumad sa Davao del Norte, Bukidnon at Surigao del Sur.
Ayon kay De Lima, binuo ang joint team ng 2 ahensya upang mapalakas pa lalo ang mga kasong kriminal na hawak na ng isang public prosecutor at nakatakdang isalang sa preliminary investigation.
Subalit, sinasabing kabilang din sa mga iimbestigahan ng NPS state prosecutors at NBI officials ang iba pang mga posibleng krimen laban sa mga indigenous peoples.
Matatandaang noong Setyembre 1 ay tatlong lumad tribal leaders at isang grupo ang pinaslang na umano’y paramilitary group sa kanilang komunidad sa Han-ayan, Surigao del Sur.
By: Jelbert Perdez