Malabong makalaya pa ang mga nahatulan dahil sa malagim na Maguindanao massacre gamit ang Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Iyan ang iginiit ni Senate Committee on Justice and Human Rights Chairman Richard Gordon para paiksiin ang panahon ng pagkakabilanggo ng mga akusado.
Ayon kay Gordon, maliwanag naman sa itinatadhana ng GCTA law na hindi kuwalipikado rito ang lahat ng mga gumawa ng karumal-dumal na krimen.
Ito aniya ang dahilan kaya’t naudlot ang dapat sana’y pagpapalaya kay dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez gayundin sa mga drug lord ang iba pang mga nahatulan dahil sa heinous crimes.