Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang Kiblawan, Davao del Sur pasado 3:39 kahapon, December 22.
Ayon sa Phivolcs, naitala epicentro ng lindol 5 kilometro sa timog kanlurang bahagi ng Kiblawan.
Mayroon itong tectonic origin na may lalim na 23 kilometro.
Naramdaman naman ang instrumental intensiti 3 sa Kidapawan City; intensity 2 sa Koronadal City, Malugon, Sarangani at Tupi, South Cotabato.
Samantalang intensity 1 naman sa Alabel, Sarangani.
Wala namang inaasahang aftershocks sa mga nabanggit na lugar matapos ang pagyanig.