Hindi irerekomenda ng Philippine National Police ang pagpapalawig ng martial law sa kabila ng magkakasunod na pagsabog sa Mindanao.
Ayon kay Lt. Gen Archie Gamboa, PNP Officer in Charge, mananatili ang kanilang rekomendasyon na tapusin na ang batas militar sa Mindanao hanggang sa katapusan ng taon.
Aniya, nanatili kasing mapayapa sa malaking bahagi ng Mindanao sa kabila ng magkakasunod na pagsabog dito.
Sa kabila nito, nagpapatuloy naman aniya ang kanilang isinasagawang imbestigasyon para matukoy at mapanagot ang grupong na sa likod ng mga pagsabog.
Tinatayang nasa 23 indibwal kabilang ang 9 na sudnalo ang nasugatan sa magkakasunod na pag atake.