Nagtaas ng P1.15 ang mga kumpanya ng langis sa presyo ng kada litro ng krudo.
Kasabay nito, P1.05 ang dagdag sa presyo ng kerosene o gaas samantalang hindi nagbago ang halaga ng gasolina.
Unang nagkasa ng christmas eve price hike ang Shell, Petrogazz, Cleanfuel, Seaoil at PTT Philippines.
Inaasahan naman ang panibagong pagtaas sa presyo ng oil products sa pagpasok ng bagong taon dahil sa train.
Subalit sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na hindi maaaring kaagad tumaas ang presyo dahil kailangan munang ubusin ang mga produktong petrolyo sa imbentaryo.