Isa ang patay sa pananalasa ng bagyong Ursula sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Ayon kay Leyte Governor Dominic Petilla, namatay ang isang lalaki matapos na makuryente sa bayan ng Abuyog.
Samantala, bineberipika pa ng pamahalaang lokal ang isang ulat ng casualty dahil sa bagyo.
Matatandaang 4 na beses nag landfall si Ursula kung saan ang pinaka huli ay sa Gigantes Islands, Iloilo.