Pinaalalahanan ng Department of Energy (DOE) ang publiko na magtipid ng kuryente dahil sa manipis na reserba ng enerhiya ng bansa ngayong papasok na 2020.
Ayon kay Energy Undersecretary Felix William Fuentebella, brownout ang maaaring maging sanhi ng manipis na reserba ng kuryente.
Aniya mas magiging mahirap pa aniya ang sitwasyon kapag pumatak na ang tag-init kung kailan mas mataas ang konsumo ng kuryente.
Ani Fuentebella, kaya ngayon pa lamang ay maigi nang magtipid sa paggamit ng kuryente.
Kasabay nito, ipinabatid ni Fuentebella na sinulatan na nila ang Meralco para mag-umpisa nang maghanap ng mga alternatibong pagkukunan ng kuryente na kanilang idini-distribute sa kanilang mga kostumer.