Target ng Department of Energy (DOE) na maibalik ang supply ng kuryente sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Ursula bago sumapit ang bagong taon.
Ayon kay Energy Spokesperson Undersecretary Wimpy Fuentebella, sa ngayon ay nagsasagawa na sila ng assessment sa mga matinding nasalantang lugar.
Partikular na dito ang Leyte, Negros Oriental, Aklan, Capiz, Mindoro at Oriental Mindoro.
Sa ngayon ay naibalik na ang nasa 90% ng electric supply sa ilan sa mga naturang lugar.