Hinikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pamilya ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na mag ipon dahil sa inaasahang pagtaas ng remittance sa susunod na taon.
Ayon kay BSP Deputy Governor Francisco Dakila Jr. inaaasahang tataas ng 3% ang remittances.
Aniya, dapat ay mayroong ipon at madadala ito kung saan pwede palaguin.
Iginiit din nito na dapat ay magplano ng mabuti hindi habang buhay makakatanggap nito.
Bukod sa mataas na remittances ay inaasahan din ang mas maayos na taon para sa mga OFW dahil sa dami ng mga job hiring sa ibang bansa.