Umaasa ang Pamahalaang Lungsod Ng Maynila na bababa pa ang dami ng basurang makokolekta ngayong holiday season.
Ito’y makaraang umabot sa halos 200-toneladang basura ang nakolekta sa buong lungsod matapos ang araw ng Pasko.
Ayon sa Manila City Hall-Department Of Public Services, karamihan sa nakahot na basura ay galing lamang sa Luneta kung saan karaniwang puntahan ng mga turista tuwing Pasko.
Gayunman, mas mababa pa rin umano ang volume ng basurang nahakot ngayong taon kumpara noong 2018.
Gaya na lamang umano sa Divisoria na may 39-toneladang basura ang nahakot ngayon, habang may 100-toneladang basura ang nahakot noong nakaraang taon.