Isinailalim na rin sa state of calamity ang buong lalawigan ng Eastern Samar matapos ang pagsalanta ng bagyong Ursula.
Matapos ang deklarasyon ay inaasahan magagamit na ng provincial government ng lalawigan ang calamity fund nito.
Magugunitang isa ang Eastern Samar sa mga lugar kung saan nakapagtala ng pagkamatay dahil sa bagyo.
Una na rito ay nagdeklara na rin ng state of calamity ng mga lalawigan ng Leyte, Capiz, Medellin at Daanbantayan sa Cebu; at San Jose, Occidental Mindoro.