Kinakailangang mag ulat sa pinakamalapit na kampo o istasyon ang mga pulis bago pagsalubong ng bagong taon.
Ayon kay NCRPO acting director Brig. Gen. Debold Sinas, pinag re-report ang mga naka off duty na pulis sa 7 p.m. ng December 31 upang masigurong hindi masasangkot sa indiscriminate firing ang mga ito.
Hindi anya tulad nuong mga nakalipas na taon, hindi lalagyan ng tape ang nguso ng mga service firearms ng mga pulis.
Bukod sa ipinagbabawal ang pagpapaputok ng kanilang mga baril, nagpaalala rin si Sinas sa mga pulis na maging magandang halimbawa at gumamit lamang ng mga ligal na paputok at gawin ito sa mga designated areas.