Ini-atras na ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. ang planong maghain ng diplomatic protest laban sa Turkey.
Ito ay matapos aniyang maplantsa na ang hindi pagkakaunawan sa pagitan ng Pilipinas at Turkey officials.
Ayon kay Locsin, kanya nang nakapulong si Turkish Ambassador to the Philippines Artemiz Sumer kung saan nagkapaliwanagan na sila at nasaayos ang isyu.
Nagkasundo rin aniya silang ipagpatuloy ang mga isinasagawang pagkikipag-ugnayan kasama ang Bangsamoro Administrative Region for Muslim Mindanao (BARMM).
Magugunitang nagbanta si Locsin na sasampahan ng diplomatic protest ang pamahalaan ng Turkey at kakasuhan ang mga opisyal ng barmm.
Ito ay matapos aniyang mapag-alamang nakipagpulong si BARMM Leader Al Haj Murad Ebrahim sa ilang mga Turkish officials nang bumisita ito sa Turkey noong December 13 hanggang 15 nang hindi nakikipag-ugnayan sa pamahalaan ng Pilipinas.