Ininspeksyon ng Philipine National Police (PNP) ang mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan bilang bahagi ng kanilang Oplan Paskuhan 2019, kaninang umaga.
Pinangunahan mismo ni PNP OIC Chief Police Lt. General Archie Gamboa ang pag-iikot sa mga tindahan ng paputok sa barangay Turo.
Nasa 24 na mga tindahan ang sinilip ni Gamboa kung saan kanyang personal na inalam ang kalidad ng mga ibinebentang paputok gayundin kung nakasusunod ang mga ito sa panuntunang itinatakda sa ilalim ng batas.
Samantala, sinita naman ni Gamboa ang may-ari ng tindahang MVD fireworks dahil sa photocopy lamang ng certificate to sell mula sa firearms and explosives office ang naipakita nito. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)