Tuluyan nang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Ursula o tropical storm Phanfone kaninang 9:50 ng umaga.
Batay sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, bahagyang humina ang bagyong Ursula matapos makalabas ng bansa.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 595 kilometro kanluran ng Subic, Zambales.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 80 kilometro kada oras.
Wala nang direktang epekto sa bansa ang bagyong Ursula gayunman makararanas pa rin ng mahina hanggang sa katamtamang lakas ng pag-ulan at isolated thunderstorms ang bahagi ng Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at Aurora dahil sa tail end of the old front.
Pinapayuhan naman ang mga maliliit na sasakyang pandagat sa pagbiyahe sa Northern Luzon dahil sa malakas na alon bunsod ng Northeast Monsoon.