Patuloy sa pag taas ang presyo ng bilog na prutas isang araw bago ang bisperas ng bagong taon.
Sa Commonwealth market sa Quezon City, nasa 80 hanggang 100 pesos ang presyo ng kiat – kiat kada isang kilo mula sa dating 60 pesos.
25 pesos ang kada piraso ng apple habang ang orange at peras ay mabibili ng 100 pesos ang kada tatlong piraso.
Habang ang ponkan ay mabibili ng 50 pesos kada apat na piraso.
250 hanggang 300 pesos ang kada kilo ng seedless na grapes, melon 50 pesos hanggang 80 pesos ang kada piraso depende sa laki, pakwan 70 pesos hanggang 150 pesos depende sa laki at ang pinya ay 40 pesos hanggang 80 pesos.
Habang ang dalandan ay 40 pesos kada kilo at 80 pesos kada kilo ang chico.