Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ABS-CBN na ibenta na lamang ito kasunod ng nalalapit na expiration ng franchise nito sa Marso sa susunod na taon.
Sa talumpati ng Pangulo sa North Cotabato, sinabi ng Pangulo na hindi niya malaman kung may mangyayari ba sa franchise renewal nito kaya marapat na ibenta na lamang ito ng kumpanya.
Sinabi ng Pangulo na sakaling mawalan ng renewal ay ngayon pa lamang makakaganti ang sambayanan sa kalokohan na pinag-gagawa ng ABS-CBN.
Matatandaang nag ugat ang galit ng Pangulo sa ABS dahil umano hindi nito pag ere ng campaign ads nito nuong Presidential 2016 kahit bayad na.