Target na rin ngayong mawala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga illegal recruiter sa bansa.
Sa kaniyang talumpati sa Digos City, sinabi ng pangulo na nais na niyang mamatay ang mga illegal recruiter dahil sa pagbebenta ng mga Pilipino sa mayayamang Arabyano bilang alipin.
Ayon sa pangulo, ang naturang mga illegal recruiter ang dahilan ng paghihirap ng ilang mga Pilipinong nagtatrabaho sa Arab countries.
Sa oras na mapasakamay na ng mga among Arabo ang mga Pilipino bilang kanilang alipin, hindi na umano mawala ang posibilidad na mapahamak o ma-rape ang mga ito, partikular ang mga kababaihan.
Dahil aniya rito, napipilitang tumalon mula sa mga bahay ng kanilang amo ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) para makatakas sa lupit na kanilang nararanasan sa kanilang pinagta-trabahuhan.