Pinatawan ng parusang kamatayan ang 29 na national intelligence officers sa Sudan.
Ito’y kaugnay sa kaso ng pagpapahirap at pamamaslang sa isang teacher na si Ahmad Al-Khair.
Nasawi si Khair habang nasa kustodiya ng naturang mga intelligence officer matapos madakip makaraang makiisa sa protesta laban sa administrasyon ni Presidente Omar Al-Bashir.
Sa desisyon ng korte, napatunayang nakaranas ng pagpapahirap si Khair sa kamay ng mga otoridad hanggang sa ito ay bawian ng buhay.