Magbabalik-torneo ang dating World number one Tennis player na si Maria Sharapova sa susunod na buwan.
Batay sa ulat, sasabak sa Brisbane International si Sharapova matapos naman itong gawaran bilang wild card sa Autralian open warm up.
Kabilang sa posibleng makalaban ni Aharapova sa Brisbane International ang kasalukuyang World number 1 na si Ash Barty gayundin sina Naomi Osaka at Karolina Pliskova.
Gaganapin ang tournament sa Queensland tennis center mula January 6 hanggang 12.
Magugunitang, bumaba sa 133rd ranking si Sharapova matapos magtamo ng injury at hindi makapaglaro sa walong tournaments.