Positibo si Pangulong Rodrigo Duterte na makakamit ng Pilipinas ang isang matatag at masayang kinabukasan para sa lahat ng Filipino sa pamamagitan gabay ng panginoon at diwa ng bayanihan at pagmamalasakit.
Ito ang naging mensahe ng pangulo kasabay ng pakikisa sa pagdiriwang ng sambayanang pilipino at mga komunidad sa buong mundo para sa pagsalubong sa “2020”.
Sa kanyang new year’s message, hinihiling ni pangulong duterte na mapuno ng pasasalamat para sa mga nakaraang biyaya at pag-asa sa mga magagandang posibilidad ang puso ng bawa’t isa kasabay ng pagdiriwang sa bagong taon.
Umaasa rin ang pangulo na kasaba’y ng pagpasok sa ika-apat na taon ng kanyang administrasyon, ganap nang matupad ang mga polisiya at programa ng pamalahaan para sa pagpapa-unlad ng kapakanan ng taumbayan at ng pilipinas nang may partisipasyon mula sa lahat.
Hinimok din ni pangulong duterte ang lahat ng filipino na magsimulang muli nang may matibay na pangakong gampanan ang tungkulin para sa pagtataguyod ng bansa at pagtitiyak na sustainable at inclusive ang mga pagsisikap na ito.
Dagdag ng pangulo, mainam gamitin ang pagpasok ng bagong taon para pagnilayan ang mga aral na natutunan sa nakalipas at pagkakataon para gumawa ng mas mabuti at mangarap nang mas mataas.