Naputulan ng daliri ang isang 12 anyos na bata mula sa Apalit Pampanga matapos na pulutin ang isang whistle bomb.
Kinilala ang biktima na si Prince Charles Mendoza na isa lamang sa mga naunang naitalang biktima ng paputok bago pa man pumasok ang bagong taon.
Batay sa ulat, isinugod sa Bulacan Medical Center sa Malolos ang batang biktima kung saan napilitan na ang mga doktor na putulina ang palasinsingan nito habang nagtamo rin ito ng iba pang sugat sa kamay.
Kuwento ni Prince Charles, nakita niya ang paputok habang naglalakad kasama ang mga kaibigan.
Hindi aniya niya alam na may sindi na ang paputok nang pulutin niya ito at ikinagulat ang biglang pagsabog nito sa kanyang kaliwang kamay.