Magpapatupad ng partial deployment ban sa Kuwait ang Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello lll, sakop ng partial deployment ang mga household workers at ang mga bagong empleyo pa o papunta pa lamang sa Kuwait samantalang hindi kasama ang mga skilled at balik-manggagawa.
Sinabi ni Bello na iiral ang partial deployment ban habang pinag-aaralan pa nila kung kailangan ang total deployment ban sa Kuwait tulad ng ginawa nila noong 2017.
Ang hakbang anya ay base sa naging paglabag ng Kuwait sa nilagdaan nilang kasunduan nuong 2018 para sa proteksyon ng mga Pilipinong manggagawa sa naturang bansa.
Matatandaan na nagpatupad na ng deployment ban sa Kuwait ang Pilipinas matapos na matagpuang patay sa isang freezer ang OFW na si joanna demafelis.
‘Di ba nagalit si pangulong Duterte at agad nag-utos ng deployment ban, parang mangyayari din ‘yan, unahan ko na ang ating Pangulo bago siya magalit ng husto, t’yaka pinag-aralan talaga namin na magkakaroon ng deployment ban,” ani Bello. — sa panayam ng Ratsada Balita
Pinag-aaralan ng Department of Labor na huwag nang magpadala ng mga domestic helpers sa ilang mga bansa.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello na posibleng piliin na lamang nila ang mga bansa kung saan puwedeng magpadala ng OFW.
Sa harap na rin ito ng di umano’y pagpatay sa Filipina domestic helper na si Jeanelyn Villavende ng kanyang employer sa Kuwait.
‘Yun ang isa naming pinagpapaplanuhan, na pipiliin na lang namin ‘yung mga bansang pagde-deployan ng mga OFW natin,” ani Bello.
Tiniyak ni Bello ang masusing monitoring sa kaso ni Villavende upang mabigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay.
Sinabi ni Bello na muli silang magpapatupad ng deployment ban sa Kuwait sakaling wala silang makitang magandang development sa kaso.
Matatandaan na nagpatupad na ng deployment ban sa Kuwait ang Pilipinas matapos na matagpuang patay sa isang freezer ang OFW na si Joanna Demafelis. — sa panayam ng Ratsada Balita