Halos 30,000 pasahero ang bumiyahe sa mga pantalan sa bansa simula kaninang madaling araw.
Ayon sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa mahigit 27,000 outbound passengers ang naitala simula alas-12:01 ng madaling araw hanggang alas-6 kaninang umaga.
OPLAN BIYAHENG AYOS: PASKO 2019
Based on the nationwide monitoring of the Philippine Coast Guard (PCG) from 12:01 a.m to 06:00 a.m today, 02 January 2020, the total number of outbound passengers is 27,112 with the following breakdown:https://t.co/WiondcMoCk#DOTrPH pic.twitter.com/frHeIbIsPR
— Philippine Coast Guard (@coastguardph) January 2, 2020
Nagmula sa Central Visayas ang may pinakamaraming bumiyaheng pasahero na nasa 14, 021 na sinundan ng Southern Tagalog na nasa mahigit 6, 000.
Target ng PCG na mapanatili ang zero maritime casualty o incident sa mga pantalan ngayong dagsa ang mga pasahero dahil sa holiday season.
Ikatlong nakapagtala ng pinakamaraming pasahero sa Bicol na nasa mahigit 2, 000; National Capital Region (NCR) na nasa halos 1, 800; Eastern Visayas na nasa mahigit 600; Southern Eastern Midnanao na nakapagtala naman ng halos 400; at Northern Mindanao na nasa mahigit 200.