Isasabatas na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, January 6, ang panukalang mahigit sa P4-trilyong national budget para ngayong 2020.
Tiniyak ito ni Senate President Tito Sotto sa harap ng pagsisimula ng 2020 na ang gamit ay re-enacted budget.
Ayon kay Sotto, wala namang epekto sa ekonomiya ang limang araw na pagkakabinbin ng paglagda ng pangulo sa national budget. —ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)