Wala pang pinal na napagkasunduan ang iba’t ibang ahensiya at grupo sa mga ilalatag na alintutunin at seguridad para sa Traslacion ng Itim na Nazareno sa ika-9 ng Enero.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesperson Major Britz Estadilla, kasalukuyang nagpapatuloy ang koordinasyon sa pagitan ng pulisya, pamunuan ng Quaipo Church at iba pang ahensiya.
Sinabi ni Estadilla, magsasagawa sila ng mga small groups discussion habang nakatakda naman ang final coordinating meeting sa bukas, ika-4 ng Disyembre.
Dagdag ni Estadilla, batay sa huling napag-usapan sa pulong, papayagan pa rin ang pag-akyat ng mga Hijos sa likurang bahagi ng andas ng Itim na Nazareno.
Gayundin ang paghahagis ng mga puting panyo.
Hindi pa rin po final pero napag-usapan po kahapon is, may aakyat pa rin po pero sa may bandang likod na po, kasi nakiusap po ang mga pari at mga deboto na ipagpatuloy pa rin po ‘yung tradisyon, at sa amin po naman, security naman po ang primary purpose namin at okay naman po sa amin ‘yon, basta po wala lang haharang sa harapan,” ani Estadilla. —sa panayam ng Ratsada Balita